Mr. Paasa
Sana kaya kong hindi maniwala sa’yo. Sana kaya kong huwag umasa sa mga sinasabi ko. Sana kaya kong turuan ang puso ko na huwag panghawakan ang anumang mga sasabihin mo. Kaso lang, hindi ko magawa e. Naniniwala pa rin ako sa’yo, umaasa pa rin ako na totoo yung sinasabi mo, patuloy ko pa ring pinanghahawakan yung mga sinasabi mo. Kahit yung mga simpleng bagay, tinuturing kong totoo lahat. Para na akong tanga na patuloy na naniniwala sa mga sinasabi mo, kahit na taliwas yun sa mga pinapakita mo sakin. At ang pinakamasakit sa lahat, gusto pa rin kita. Gustung-gusto pa rin kita :( Minsan nga pakiramdam ko, mahal na kita. Kasi hindi ko naman siguro matitiis ang lahat ng ito kung hindi kita mahal. Kung hindi ka mahalaga sakin.
Masakit para sakin kasi parang pinagti-tripan mo lang ako. A few weeks ago, wagas ka kung mag-exert ng effort para makuha ang attention ko. Kung makapag-message at mag-chat ka ganun na lang. Na para bang ikaw lang dapat ang kausap ko. Ikaw lang dapat ang katext ko. Na para bang pag-aari mo na ako. May pagka-possessive ka. Pero okay lang. Sige lang. Tinignan ko kung hanggang saan ang kaya mo. Tapos nung pinapansin na kita, nung binibigyan na kita ng attention, okay naman tayo. Pero saglit lang. Tapos naging cold ka na. At hindi ko alam kung bakit. O ako lang ang nag-iinarte. Pero hindi kasi ako masyadong assuming, slight lang. Hehe! Pero hindi ako mag-a-assume kung hindi mo ako binigyan ng dahilan. Bakit mo ginagawa sakin ito? Pinaglalaruan mo ba ako? Eto na ba ang karma ko sa lahat ng mga kalokohan ko? My God!! Sobrang sakit! :(
Akala ko, you’re different. Hindi pala. Katulad ka rin ng iba. Paasa. Pa-fall.
why was i so stupid?
don’t play around with my feelings, i’m not your little toy where you can just throw me around. i don’t live to entertain you. making an effort on you, was a waste of time. i can’t believe i fell for someone stupid like you.

